BASIC LIFE SUPPORT TRAINING, ISINAGAWA SA ASINGAN

Sinimulan na sa bayan ng Asingan ang Basic Life Support Training sa bayan.
Ang naturang aktibidad na ito ay naglalayong makapagbigay ng karagdagang kaalaman para sa tamang pagbibigay ng agarang lunas sa oras ng pangangailan partikular na kapag mayroong aksidente sa iba’t ibang lugar kung saan dinaluhan ang pagsasanay ng mga kawani ng Barangay officials, resort owner & staff, BHW, PNP, BFP at RHU sa bayan.
Inilunsad ang aktibidad na ito ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) katuwang ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa pagdedemo ng mga dapat gawin kapag mayroong sakuna o insidente. |ifmnews

Facebook Comments