BASILAN BOMBING | Alert status ng AFP Joint Task force NCR, itinaas na sa hightened alert

Nakataas na rin sa hightened alert status ang alerto ng AFP Joint Task Force National Capital Region matapos ang malakas na pagsabog sa Basilan.

Ayon kay AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo, ibigsabihin nito kalahati ng mga tauhan ng AFP JTF NCR ay nakaalerto na.

Pero nilinaw ni Arevalo na wala silang namomonitor na specific threat mula sa mga terorista.


Aniya ang pagtataas ng alerto ay pagiging pro- active lang ng AFP upang matiyak na hindi mag spill over sa Metro Manila ang mga pagsabog.

Mas maigi na aniyang handa ang kanilang hanay sa anumang mga hindi inaasahang sitwasyon.

Kahapon una nang inanunsyo ng PNP na itinaas nila sa hightened alert status ang buong Metro Manila.

Facebook Comments