Dalawang Gwardiya ng Niloobang Metrobank sa Tuguegarao City, Sasampahan na ng Kaso!

*CAGAYAN- *Sasampahan na ng Kasong Robbery ang dalawang gwardiya na nakabantay sa mainbranch ng Metrobank sa Tuguegarao City makaraang looban ng limang armadong kalalakihan na nagpakilala bilang mga pulis.

Ito ang kinumpirma ni Police Superintendent George Cablarda, ang hepe ng PNP Tuguegarao City sa ginanap na Pressconference sa Regional Command kaninang umaga, Agosto 3, 2018.

Base umano sa pagsusuri ng kapulisan sa kuha ng CCTV Footage sa lugar ng pinangyarihan, kita umano na nakipagsabwatan ang dalawang gwardiya na sina Angelo Liban at Ace Mark Gunnacao sa limang suspek bago pinapasok sa nasabing bangko at isinagawa ang nasabing Pagnanakaw.


Hawak na ngayon ng PNP Tuguegarao City sina Liban at Gunnacao na mahaharap sa kanilang kasong Pagnanakaw.

Matatandaan na noong gabi ng ika-tatlumpu’t isa ng Hulyo ay nilooban ng limang mga armadong lalaki na nagpanggap na mga pulis at mag-iinspeksyon sa nasabing bangko subalit nagdeklara ang mga ito ng holdap at natangay ng mga ito ang nasa mahigit dalawampung milyong piso.

Facebook Comments