Basilan, nakaalerto na rin sa banta ng terrorista

Basilan, Philippines – Naka-alerto ngayon ang militar kasama ang Philippine National Police sa lalawigan ng Basilan dahil sa banta ng terorismo mula sa grupo ng terorirstang Abu Sayyaf sa kasagsagan ng nag-pa-pa-tuloy na sagupaan sa Marawi City.

Inihayag ni Police Senior Superintendent Nickson Muksan ang Basilan provincial police director na nakatanggap sila ng pag-ba-banta ngayon mula sa kilalang notoryosong Abu Sayyaf leader na si Furuji Indama na magsasagawa ang mga ito ng pam-bo-bomba sa lalawigan.

Partikular na target umano ng teroristang grupo ang mga vital installation sa Isabela City at Lamitan City.


Ito ay bilang parte umano ng mga planong diversionary tactics ng grupo upang malihis ang atensyon ng mga otoridad sa nag-pa-pa-tuloy na operasyon laban sa Maute group sa Marawi City.
Nagbanta rin umano ang mga bandido sa mga pulitiko sa Basilan na nagbibigay ng suporta sa goberyo sa kampanya kontra sa mga teroristang grupo lalo na sa pamilya Hataman na mas lalong nagpapahina sa kanilang grupo.
Ang pamilya Hataman na kina-bibi-langan ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay matagal na ring nagbibigay ng ‘full support’ sa militar at pulisya kontra sa bandidong Abu Sayyaf.

Una na ring kinumpirma noon ni Hataman na mayroon sa kanyang kaanak mismo ang sumali sa bandidong grupo pero hindi nila ito kinun-sinti at puwersahang pinaalis sa grupo at pinalayas sa kanilang lugar.

Si Indama ay isang Basilan Based ASG leader na sinasabing link din sa grupo ng Islamic State of Iraq and Syria o (ISIS).

Napag-alaman na nagsanib puwersa ang Maute at Abu Sayyaf group sa pag-atake sa Marawi City kaya mataas ang banta ng Abu Sayyaf sa maraming mga lugar sa Mindanao bilang diversionary tactics ng grupo upang masalba ang kanilang mga kasamang na tinutugis ngayon sa Marami City.
DZXL558, Richard Falcatan

Facebook Comments