Basketball jersey ni NBA Star Michael Jordan, naibenta na!

41

Naibenta na sa halagang $288,000 o higit ₱14-milyon ang jersey ni National Basketball Association (NBA) Star Michael Jordan.

Ayon sa Goldin Auction, ginamit ni Jordan ang jersey at shorts combo noong April 14, 1997 nang talunin sila ng Detroit Pistons sa score na 108-91.


Nagsimula ang bidding ng basketball uniform sa $75,000 hanggang ito ay nabili sa nasabing halaga.

Nahigitan naman ng nasabing basketball uniform ang unang uniporme ni Jordan na 1984 team USA jersey, na naibenta rin sa auction sa halagang $173, 000.

Facebook Comments