Kantang “Bawal Lumabas” ni Kim Chui, nilapatan ng dance steps ni DJ Loonyo

100

Matapos mapasama sa Top 50 iTunes Philippines, mayroon nang t-shirt merchandise at dance step ang trending song ni Kim Chui na “Bawal Lumabas”.

Ang limang kulay at tatlong disenyo ng t-shirt ay nagkakahalaga ng ₱295 kung saan ang instructions ng pag-order ay matatagpuan sa Instagram account ng “Bawal Lumabas Merch”.


Limited edition din ito, kung saan ang malilikom na pondo ay ipapambili ng food packs para sa apektadong quarantined families, at sa mass testing project ni Angel Locsin.

Si DJ Loonyo naman ang nag-choreo ng “Bawal Lumabas” dance steps ni Kim na lumampas na sa 403K views matapos ang 24 Oras.

Facebook Comments