City of Ilagan- Sisimulan na sa darating na araw ng Sabado ang Basketball League o Jave Cup sa lungsod ng Ilagan bilang kampanya ng mga kabataang ilageño kontra droga.
Ito ang naging pahayag ni Sangguniang Panlungsod Member Jay Eveson Diaz ng City of Ilagan sa RMN Cauayan.
Aniya ang naturang aktibidad ay para umano sa mga kabataang nasa edad trenta pababa na mahilig sa larangan ng basketball.
Ang aktibidad na may temang Bola Kontra Droga ay magiging isang healthy life style ng mga kabataan na may pagkakaisa upang makaiwas sa ipinagbabawal na gamot at masugpo ang problema na umano’y kinasasangkutan ng maraming kabataan sa lungsod ng Ilagan.
Sinabi pa ni SP Member Diaz na naisipan umano niyang simulan ang basketball league noong 2015 dahil sa inalis din noon ang sangguniang kabataan.
Samantala aktibo rin umano ang mga kabataan sa siyamnapu’t isang barangay ng lungsod ng Ilagan sa mga community services kung saan ay kasama umano dito ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan.