Basketbolista suspendido matapos mag-positibo sa ‘pagiging buntis’

Image via Yahoo Sports

Sinuspinde ng International Basketball Federation (kilala sa tawag na FIBA) ang Amerikanong basketbolistang si DJ Cooper matapos gamitin ang ihi ng kasintahan bilang sample sa drug test.

Ayon sa ulat ng EuroHoops, sumailalim si Cooper sa naturang eksaminasyon bilang parte ng proseso para maging naturalized player ng Bosnia national team.

Lumabas sa resulta ng kaniyang urine test na positibo siya – sa pagiging buntis.


Nakitaan umano ng human chrionic gonadotropin o hCG ang sample ng ihing ipinasa ni Cooper. Prinoproduce ng placenta ang nasabing hormone habang nagbubuntis ang isang babae.

Pag-amin ng manlalaro, ginamit niya ang ihi ng nobya bilang sample sa drug test.

Hindi rin umano alam ng kasintahan na siya ay nagdadalang-tao.

Dahil sa ginawang panloloko, pinagbawalan siya ng FIBA maglaro hanggang Hunyo 24, 2020.

Facebook Comments