Lalaki na Wanted sa Batas, Timbog sa Lungsod ng Cauayan!

Bagsak sa kulungan ang isang lalaki na wanted sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act matapos itong madakip sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jonald De Ramos, 40 anyos, may-asawa, residente ng P3, Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Si Ramos ay hinuli ng mga kasapi ng PNP Cauayan City sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela.


Pansamantalang makakalaya si Ramos kung makakapaglagak ng kanyang piyansang P200,000.00.

Nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments