BASULTA LSIs na nagQuaratine sa Maguindanao makakauwi na, mga nagpositibo nakarekober na!

Nakatakdang umuwi ngayong umaga ang first batch ng mga Locally Stranded Individuals na nagquarantine ng dalawang linggo sa mga Isolation Centers sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao .
Sa naging panayam ng RMN-Cotabato kay BARMM CabSec at kasalukuyang Spokesperson ng BARMM IATF on Covid 19 Asnin Pendatun, isasakay ang nasa 50 na mga LSI sa isang Navy Vessel alas 9 ngayong umaga. Lahat ng itoy mga nagnegatibo sa Covid-19.
Mula Polloc Port sa Parang Maguindanao , 18 oras ang magiging byahe ng mga ito patungong Probinsya ng Basilan dagdag pa ni Pendatun. Hindi na rin aniya sasailalim pang muli sa Quarantine ang mga ito sakaling dumating na sa Basilan, sa katunayan aniya, sumobra na sa araw ang quarantine ang mga LSI.
Samantala, masaya ring inihayag ni Pendatun sa panayam ng DXMY na nakarekober na rin ang nasa 120 na mga LSI mula BASULTA na nagpositibo sa Covid-19 . Nag-aantay na lamang din ito ng schedule para makabalik ng kani-kanilang mga lalawigan.
Matatandaang 405 na LSI mula sa BASULTA ang dumating sa Maguindanao, matapos hindi maihatid diretso sa kani-kanilang lalawigan matapos makavail ng Balik Probinsya Program.
Kaugnay nito, umabot naman sa 451 ang kaso ng Corona Virus sa buong Bangsamoro Region.
PIC: BARMM Govt: for illustration purpose only
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments