Isang araw matapos ang pagdiriwang ng Pasko ay kapansin-pansin ang pagkonti ng bilang ng mga namamasyal sa Luneta Park.
Kapansin-pansin na mas mraming ang mga nakakalat na basura sa loob at labas ng pampublikong pasyalan.
Karamihan sa mga basura na nakakalat ay mga pinagbalutan ng pagkain tulad ng styrofoam, mga plastic bag at disposable materials pati mga diaper ay nakakalat din.
Dumating naman ang mga street sweepers ng MMDA para linisin ang paligid ng Luneta.
Ayon kay Nerissa Dealagdon, isa sa mga vendor, mabenta ang mga paninda nilang biskits, kendi, kape at mineral water.
Tumanggi naman siyang magsabi kung nagbabayad sila ng puwesto sa loob ng Luneta Park.
Patok din ang mga laruan na ibenibenta ng mga ambulant vendor.
May mga nakatalaga ding portalet sa Luneta pero langhap pa rin ang umaalingasaw na amoy mula dito.
Maaliwalas ang panahon sa bahagi ng Luneta kaya at sinamantala ito ng mga park goers para magpalipad ng saranggola.
May mangilan-ngilang sasakyan naman ang dumating sakay ang magkakamag-anak para naman mamasyal sa kalapit na Manila Ocean Park.
Una nang sinabi ng Manila Police District (MPD) na payapa at walang anumang gulo ang naitala bago, habang at pagkatapos ng pagdiriwang ng araw ng Pasko.