Basura ng Alicia, Gagawing Novelty Products

Alicia, Isabela – Tinututukan ngayong taon ng pamunuan ng Alicia ang programang Zero Waste Management sa paraang magkaroon ng novelty products mula sa mga nakokolektang basura ng bayan.

Ito ang nabatid ng RMN Cauayan News Team kay Hon. Rogelio Benitez, Municipal Administrator ng Alicia, Isabela.

Aniya umaabot na sa apat na ektarya ang ginagawang dumpsite ng basura sa barangay Dagupan.


Nakabili na rin umano ng dalawang drumptruck ang nasabing bayan upang mas mabilis ang pangongolekta ng basura.

Ipinaliwanag pa ni administrator Benitez na sa lugar ng sanitary landfill ay pinaghihiwalay na agad ang mga plastik at mga nabubulok na basura upang mas mapabilis din ang tinatawag na alternative technology o ang paggawa ng novelty product.

Kabilang sa mga halimbawa ng novelty products na maaaring makuha sa basura ay ang paggawa ng hollowblocks mula sa mga plastik at ang vermi culture o pataba mula sa nabubulok na basura.

Inihayag pa ni Benitez na ang paggawa ng produkto mula sa mga basura ay nasa ilalaim ng Alicia Environmental Project ngayong taon.

Facebook Comments