Susunod nang ibabalik ang mga basurang itinambak ng Australia sa Pilipinas.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. – ang basura ng Australia ay inangkat sa bansa ng isang Philippine-based cement mark at ibabalik ito kung saan nagmula.
Hindi nagbigay ng timetable si Locsin kung kailan ibabalik ang mga basura.
Ang shipment mula Australia ay pitong 40-footer container vans na nadiskubre noong May 14 sa Mindanao International Container Terminal sa Tagaloan, Misamis Oriental.
Ang mga container ay naglalaman ng industrial at commercial recyclable material tulad ng plastic, cardboard, paper, textile, waste timber at iba pa na kadalasang ginagamit bilang alternative fuel sa cement production.
Facebook Comments