Baguio, Philippines – Dekada na ang lumipas, iyon pa rin ang problema.
Maraming problema ang dulot ng basura, hindi lang sa Baguio kundi sa buong bansa. Marami na ang nagkasakit, may mga namatay na rin dahil sa sakit na galing sa basura.
Dito sa Baguio, hindi pa rin masolusyunan ang problema sa basura, may mga residente pa rin ang hindi sumusunod sa “Segregation of Biodegradable and Non-Biodegradable kaya ang ilan ang hindi nahahakot sa tamang oras.
May ilang residente na kahit may paalalang karatula, para bang bulag na hindi nila nakikita na kapag bawal, dapat bawal talaga.
Sa ngayon ay sa Capas, Tarlac Temporary Landfill pa rin dinadala ang basura ng Baguio at milyong milyon piso ang ginagastos ng lokal na gobyerno para dito.
Mga taga Baguio, paano ba talaga natin masosolusyonan ang problema natin sa basura?