Matapos na maibalik ang mga basura sa Canada at Hong Kong ibabalik na rin ng gobyerno ang basurang galing naman sa Australia.
Sa Twitter post si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., sinabi nitong ibabalik nila ang basura sa Autralia kahit pa sinabi ng DENR na engineered fuel lang ito na ginagamit sa paggawa ng semento.
Giit ng kalihim, dapat ay mag-import ang mga cement facories ng mga sangkap sa paggawa ng semento para wala itong ibang pagbabagsakan kundi ang kanilang mga planta.
Nito lang nakaraang buwan nang maharang ng Bureau Of Customs (BOC) ang pitong container van ng shredded municipal waste sa Mindanao Container Terminal sa Misamis Oriental mula Australia.
Facebook Comments