PBA Player Jericho Cruz, magiging bahagi na ng NLEX Road Warriors

Inaprubahan ng PBA Office of the Commissioner ang three-team trade ng NLEX Road Warriors, Northport Batang Pier at TNT Katropa.

Unang in-aquire ng NLEX ang second round-pick ng Northport sa 2020 draft para kay Marion Magat na siya namang ipinalit ng Northport sa TNT Kasama ng kanilang second-round pick sa 2021 at 2022.

Dahil dito napunta sa Northport sina Jericho Cruz at Michael Miranda.


Para makumpleto ang three-team trade, kinuha ng NLEX si Cruz at ipinalit ang kanilang second-round picks sa 2019 at 2020 draft kung saan makakasama niyang muli ang dati nitong Coach na si Yeng Guiao.

Excited naman si NLEX Assistant Coach Jojo Lastimosa sa ipapakitang gilas ni Cruz sa hardcourt.

Facebook Comments