Basurang nakukulekta ng CENRO-San Juan City, umaabot sa 8 tonelada sa loob ng 7 buwan

Mahigit 8 tonelada ng basura ang nakukulekta sa pitong buwan  ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO sa San Juan City.

Ipinagmalaki ng City Environment and Natural Resources Office ng San Juan City na walang palya ang kanilang paghahakot ng mga tambak na basura sa 21 Barangay sa San Juan kung saan umaabot na sa 8,512 na tonelada ng mga basura ang nahahakot araw-araw mula ng buwan ng Enero hanggang Hulyo, taong kasalukuyan.

Ayon kay San Juan Administrator Assistant II  Dian Banay, ang pinakamaraming basura na kanilang nahahakot ay sa Barangay West Crame kung saan 5 trak ng mga basura ang kanilang nahahakot habang isang trak lamang ng basura ang nahahakot sa Barangay Saint Joseph at Barangay Isabelita.


Paliwanag ni Banay, ang buwan ng Abril ang may pinakamaraming basura na kanilang nahahakot na umaabot sa 1,324 na tonelada ng basura at ang may pinakamababang basura na kanilang nahahakot ay ang buwan ng Mayo na pumapalo sa 1,189 Tonelada at ang pinakamaraming ikot ng trak araw-araw ay ang buwan ng Hulyo na umaabot sa 839 trips araw-araw.

Paalala ng  Centro sa mga Barangay Chairman na ipabatid sa kanilang nasasakupan na huwag ilabas ang mga basura na wala sa schedule ng kanilang paghahakot upang hindi mamaho ang kanilang lugar.

Facebook Comments