Bata, Durog ang Ulo matapos Magulungan ng Truck

341

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang bata makaraang magulungan ng Elf truck bandang 5:30 ng madaling araw kahapon sa pambansang lansangan ng Brgy. Baracaoit, Gattaran, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Rey Ranie Valle, 9-anyos, at residente ng Brgy. Mabuno sa nasabing bayan habang nakilala ang suspek na minamaneho ni Erickson Gabatino.


Ayon sa imbestigasyon ni PMSg. Rem Durwin, imbestigador sa kaso, inakala umano ng driver ng truck na lulan ng gravel and sand na hindi paparada sa gilid ng daan ang nasabing biktima kasama ang kanyang ama para kunin ang nahulog na ‘sumbrero’ sa daan.

Una nang nabangga ng suspek ang likurang bahagi ng motorsiklo na sakay ang biktima at agad na tumilapon ito na aksidenteng nagulungan ang ulong bahagi nito.

Dagdag pa ni Durwin, pinakawalan na ang suspek matapos ang reglementary period nito at hindi pa rin buo ang desisyon ng ama ng biktima kung itutuloy ang kaso laban sa suspek o aaregluhin.

Nagbigay na rin ng paunang tulong pinansyal ang may-ari ng elf truck sa pamilya ng biktima.

Facebook Comments