Lola, timbog sa buy-bust operation sa QC

85

Kalaboso ang isang 70-anyos na lola matapos maaresto sa joint buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Talipapa Police Station at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Ronnie Montejo ang suspek na si Alicia Santos.


Kasama niyang naaresto ang tatlo niyang kasabwat na sina Cristina Petejotes, Alex Bagang at Rodolfo De Pedro Jr.

Target ng operasyon si Petejotes na nakatransaksyon ng pulis na poseur buyer.

Nang bentahan na ni Petejotes ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1,200 ang pulis, dito na ibinigay ang senyas at agad na inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska sa kanila ang pitong sachet ng shabu na may timbang na pitong gramo at may street value na ₱47,600, cellular phone na gamit sa transaksyon at ang ginamit na buy-bust money.

Si Santos at Pelejotes ay nasa barangay drug data base ng Bahay Toro habang sina Bagang at De Pedro ay mga bagong drug personalities.




Facebook Comments