Bata na may Katarata, Matutulungan sa isang Konsyerto!

Cauayan City, Isabela- Magsasagawa ng isang konsyerto ang ilang local artist mula sa iba’t-ibang lugar sa Lalawigan ng Isabela upang matulungan ang isang bata na may sakit sa mata.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mr. Mark John Tomas, isa sa mga event organizer sa gagawing concert fo a cause sa Lungsod ng Cauayan, layon nito na matulungan ang batang may katarata na si Christhaniel Espiritu ng Santiago City.

Aniya, noong nakaraang taon pa aniya ito plinano at inorganisa hanggang sa nakabuo ng mga local artist mula sa bayan ng Tumauini, Santiago City, Ilagan City at Cauayan City.


Bukod aniya sa pagtulong sa bata ay layon din nito na maipakilala ng mga local artist ang kanilang mga sarili at maibahagi rin ang kani-kanilang mga talento.

Gaganapin ang konsyerto sa darating na Linggo, Marso 01, 2020 na magsisimula sa oras ng alas 6:00 ng gabi kung saan ay mayroong ticket na maaaring mabili upang makapanood sa concert.

Bukas rin aniya sa lahat ng mga gustong tumulong para sa bata at lahat ng kikitain sa konsyerto ay ibibigay sa tutulungang bata.

Facebook Comments