Driver, Patay ng magbigti gamit ang Wire ng Antenna dahil sa kanyang Live-In Partner

*Cauayan City, Isabela-* Natagpuang wala ng buhay ng katawan ng isang lalaki matapos itong magpakamatay gamit ang isang wire ng antenna sa kanyang tahanan sa Brg. Alabiao, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Lorenzo Tabancuna, 38 anyos, isang driver at residente sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Tuao Police Station, kahapon ng umaga ng matagpuan ng mga kaanak ng biktima ang katawan nito sa kanyang tinutuluyang bahay habang nakabitin gamit ang isang wire antenna.


Napag alaman pa na may problema ang biktima sa kanyang live-in partner na posibleng dahilan ng pagpapakamatay nito.

Matatandaang Pebrero 12 ng taong ito ng tangkain ng biktima ang pagpapakamatay.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa insidente.

Facebook Comments