Bata nabundol ng KM 450 Truck sa DSA, patay!

69

Patay ang sais anyos na batang babae matapos mabundol ng military vehicle sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao pasado alas dose kahapon.

Sa pahayag sa DXMY ni Army Cpt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th ID, lulan ng KM 450 Vehcile ang mga elemento ng 57th IB, habang tinatahak ang national highway biglang tumawid ang batang si Madin Acas resulta ng aksidente.

Nagawa pang isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center ang nabundol na bata ngunit di na nagawang maisalba pa.

Hindi naman napano ang mga sakay ng KM Vehicle habang nangako ang 6th ID na magbibigay ayuda sa pamilya ng biktima.

Pic for Illustration only

Facebook Comments