𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗣𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Hindi umano mataas ang illegal drug activity pagdating sa usapin ng droga ang bayan ng Binmaley, ayon sa pahayag ng Hepe ng Binmaley Police Station.

Hindi alam kung saan nagmula ang balitang mataas umano ang illegal drug activity.

Paglilinaw ni Binmaley Police Station officer-in-charge PLTCOL Christopher Valerio, hindi mataas ang illegal drug activity sa bayan kung hindi maaaring ang ibig sabihin ay mataas pa rin ang bilang ng mga barangay na hindi pa idineklarang drug cleared sa isinasagawang barangay drug clearing operation.

Ang nakikita umanong isa sa dahilan ay pagdating sa barangay drug clearing program kung saan may kakulangan sa requirements ang mga barangay para maipasa ng regional committee.

Sa ngayon, nasa anim na mga barangay umano ang nagdeklara pa lamang na drug-cleared sa bayan.

Sa pagkakaalam din nito, nasa dalawamput limang barangay pa ang hindi idineklara bilang drug cleared barangay sa naturang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments