Bata, patay matapos painumin ng asido ng sariling ama

Manila, Philippines – Patay ang isang apat na taong gulang na bata matapos painumin ng muriatic acid ng sariling ama sa Tondo, Maynila.

Matapos naman painumin, nagpatiwakal din ang ama ng bata.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Carlo Manuel ng Manila Police District (MPD), selos ang ugat ng krimen.


Kuwento ng ina ng biktima, puno ng selos ang kaniyang mister mula nang umuwi siya noong nakaraang taon mula sa pagtatrabaho sa Qatar.

Naging seloso raw ang mister tuwing nakikita nito ang mga komento sa kaniyang social media ng mga kaibigan niyang dayuhan.

Sabi pa ng ina ng biktima, tinangka rin siyang saksakin ng mister pero napigilan ito ng isa nilang anak.

Facebook Comments