
Binawian ng buhay ang isang apat na taong gulang na batang babae matapos masagasaan ng isang mini van sa Purok 4, Barangay Mabua, Surigao City.
Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang patay pagdating sa Caraga Regional Hospital.
Ayon sa mga nakasaksi, tumatawid umano sa kalsada ang bata kasama ang kaniyang mga kalaro nang bigla itong masagasaan ng rumaragasang mini van.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Surigao City Police Station ang driver at nahaharap sa kasong ‘Reckless Imprudence Resulting in Homicide’.
Facebook Comments










