Bata sa US, patay matapos aksidenteng mabaril ng 5-anyos niyang kapatid

152

GEORGIA, US – Nasawi ang isang 12-anyos na lalaki nang aksidenteng matamaan ng bala ng nakababatang kapatid matapos nitong paglaruan ang natagpuang baril.


Ayon sa forensic interviews at ebidensyang nakalap ng mga pulis, natagpuan ang naturang baril sa lugar malapit sa bahay ng mag-anak bago mangyari ang trahedya noong Sabado ng gabi.

Nagtamo ng tama sa dibdib ang bata na agad namang naisugod sa pinakamalapit na ospital.

Sa kasamaang palad ay nasawi ang biktima makalipas ang ilang sandali.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang naturang baril ay pagmamay-ari ng isang grupo ng mga pugante na pinaghahabol umano ng mga pulis ilang oras bago mangyari ang insidente.

Samantala, patuloy namang iniimbestigahan ng awtoridad ang pangyayari.

Facebook Comments