Bataan Freeport nagpadala ng tulong para sa mga residente ng Marawi City

Marawi City – Nakiisa ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa One Marawi Campaign (OMC) ng gobyerno.

Ayon kay AFAB (Authority of the Freeport Area of Bataan) Chairman and Administrator Emmanuel Pineda ang mga nakolektang donasyon mula sa Freeport Area of Bataan Locators kagaya ng pagkain, inumin at iba pang basic needs ay papadala nila sa mga Crisis Affected Residents ng Marawi City dahil sa patuloy na bakbakan ng mga sundalo ng gobyerno at Maute Terrorist Group (MTG).

Ang naturang Relief Operations ay bahagi ng Corporate Social Responsibility ng AFAB (Authority Freeport Area of Bataan) at bilang pakikiisa na rin sa Bangon Marawi Campaign ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.


Kabilang sa mgaipinadala ang isang libong pares ng sapatos, toiletries, noodles, bottled water at solar panels mula sa Grand Innovation Concepts Corporation (GICC).

Facebook Comments