Bilang ng mga bakwit mula Marawi City na nasa Region 10, umabot na sa mahigit 121-thousand

136

Marawi City – Umabot na sa mahigit 121-thousand ang bilang ng mga bakwit mula Marawi City na naninirahan ngayon sa Region 10.

Ayon kay Police Regional Office 10, Spokesperson Police Supt. Lemuel Gonda na sa Cagayan De Oro City nasa mahigit 15 libo na ang mga bakwit.

Sa Iligan City may mahigit 75 libo, Misamis Oriental may halos tatlong libo, Lanao Del Norte may mahigit 25,800, Misamis Occidental may mahigit apat na raan, Bukidnon may mahigit 1, 600 at sa Camiguin ay may 36 na mga bakwit.


Facebook Comments