Manila, Philippines – Isang Memorandum of Agreement o MOA ang nakatakdang pirmahan sa pagitan ng provincial government ng Bataan at mga concerned agencies kaugnay sa pagprotekta sa mga Death March Markers.
Ayon kay Bataan Governor Abet Garcia, ito ay bilang tugon sa mga napabalitang pagkasira ng ilan sa may 103 WW2 markers dahil sa mga isinasagawang road projects sa lalawigan.
Sa ngayon, sa pangunguna ng Filipino American Memorial Endowment o FAME ay isang restoration efforts ang isinasagawa katuwang ang ilang grupo na may kinalaman sa paggunita sa ika 75th anibersaryo ng araw ng kagitingan sa Abril a nueve bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na nakipaglaban sa mga mananakop na pwersang Hapones.
Ilan sa mga grupong makakasama sa kasunduan ay ang DepEd, LGUs, DENR, MBDA at iba pang concerned groups sa pagpreserba sa mga naturang historical markers.