PNP Regional Director, pormal nang bumisita sa Masbate ngayon matapos ng sunod-sunod na pagpatay sa mga broadcast journalist at elected barangay officials

Manila, Philippines – Mismong si Chief Superintendent Melvin Buenafe ang nagtungo sa Masbate para magsagawa ng evaluation validation katuwang si Masbate Provincial Director Police Sr/Supt. Froilan Elopre.

 

Ito ay para tingnan ang follow up investigation sa magkahiwalay na pamamaslang kay Broadcast Journalist Joaquin Briones at sa kapitana ng Uson at asawa nitong kawani ng Uson municipal.

 

Ayon kay Chief Supt. Melvin Ramon Buenafe, makikipag-ugnayan siya at titingnan ang imbestigasyon kung natutumbok na ang mga salarin para mapanagot sa batas.


Facebook Comments