Bataan Nuclear Power Plant, ininspeksyon ng mga Filipino scientist, DOE at DENR

Sinuri ngayon ng grupo ng mga Filipino scientist, Department of Energy, at Department of Environment and Natural Resources ang Bataan Nuclear Power Plant.

Ayon kay Dr. Chester Cabalza, founder at president ng manila-based think tank na International Development and Security Cooperation (IDSC), layon ng inspeksyon na matignan ang kakayahan ng Bataan Nuclear Power Plant na muling buhayin.

Bukod dito, sinisilip din nila na gayahin ito at itayo sa iba pang lugar sa bansa.


Ang hakbang aniya na ito ay batay na rin sa layunin ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng iba pang alternatibong paraan na pagkukunan ng enerhiya upang mapababa ang kuryente sa bansa.

Nabatid na isa sa isinusulong ni Pangulong Marcos sa mga investors ang pagpapatayo ng mga power plant sa bansa sa pagdalo sa United Nations General Assembly sa Amerika..

Facebook Comments