Isang nanay patay habang anak nito sugatan sa sumiklab na sunog sa Pasig City

74

Nasawi ang isang ina mula sa nasunog na residential area sa Brgy. Santa Lucia kaninang alas-2:30 ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Melanie Gonzales, na natagpuang wala nang buhay sa loob ng banyo ng kanilang bahay.

Batay sa impormasyon na nakalap ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagpaiwan umano ang biktima sa loob ng bahay makaraang gisingin at palabasin nito ang kanyang pamilya.


Sinubukan pang apulahin ng biktima ang apoy sa loob ng bahay, pero hindi na ito nakalabas.

Agad naman isinugod sa ospital ang anak na lalaki ng biktima matapos magtamo ng second degree burn sa kanang braso.

Kaugnay nito, nagpaalala ang BFP sa publiko na iwasang manatili sa nasusunog na bahay para hindi ma-trap sa apoy kasabay ng pag-iimbestiga nito sa nasabing insidente.



Facebook Comments