Bataan, Philippine – Tutol si Bataan First District Congresswoman Geraldine Roman sa panukalang ipagpaliban ang barangay elections at sa ideya ng Pangulo na i-appoint na lamang ang mga uupo sa mga barangay sa buong bansa.
Ito ang sinabi ng mambabatas sa eksklusibong panayam ng RMN Bataan kay Roman bilang reaksyon nito sa naunang mga pahayag mula sa DILG sa isinagawang national assembly ng Liga ng mga Barangay.
Ang pahayag ng Pangulo ay nag-ugat sa impormasyong nakalap niya mula sa mga intelligence reports na 40% ng mga barangay officials sa bansa ay sangkot di umano sa illegal drugs trade.
“and because I support his war against drugs what I propose is this that we call elections as soon as possible, possibly in October as provided for by the law that we passed recently.” — Cong. Roman
Isa rin sa panukala ni Roman ang isailalimsa drug tests ang mga kakandidato sa barangay elections bago sila mag-file ng kani-kanilang COCs.
“and to require all candidates in all barangay positions to submit first a clearance from the PDEA before they can submit their COC,”– Cong. Geraldine B. Roman