BASCO, BATANES – Nakahanda na ang lokal na pamahalaan ng Batanes sa posibleng pananalasa ng bagyong Helen.Sa interview ng RMN kay Batanes Gov. Marilou Cayco, sinabi nito na nakipag-ugnayan na sila sa mga alkalde at barangay chairman para sa paghahanda sa pagtama ng bagyo.Aminado naman si Cayco na hirap pa rin sila sa komunikasyon dahil wala pa ring kuryente sa lugar kung saan nanalasa kamakailan ang bagyong Ferdie.Samantala, sa interview ng Rmn, sinabi ni National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, na nakapwesto na rin ang mga relief goods para sa mga maaapektuhan ng bagyong Helen.Sa ngayon, nakataas na sa signal number 2 ang Batanes Group of Island habang nasa signal number 1 ang Babuyan Islands.
Batanes, Handa Na Sa Bagyong Helen
Facebook Comments