Dfa, Nanawagan Sa International Community Na Huwag Makialam Sa Giyera Ng Pamahalaan Laban Sa Ilegal Na Droga At Kriminal

25

MANILA – Nanawagan si Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay sa international community na huwag makialam sa kampanya ng administrasyong duterte laban sa kriminalidad at ilegal na droga.Iginiit ng kalihim sa United Nations General Assembly sa New York, na desidido ang gobyerno na tapusin ang mga ilegal na gawain sa bansa.Ayon kay Yasay, dapat hayaan ng UN ang Pilipinas na ayusin ang problema ng walang nakikialam.Sa kabila nito, tiniyak ni Yasay na susunod ang pamahalaan sarule of lawat ipagpapatuloy ang relasyon ng Pilipinas sa international community.

Facebook Comments