Batanes, hindi muna tatanggap ng mga turista hanggang sa katapusan ng taon

Kailangan munang magtiis at maghintay ng mga turistang nais bumisita sa Batanes lalo na at nag-aatubili pa rin ang local government officials ng island province na tumanggap ng mga bisita hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, hindi pa rin sang-ayon si Batanes Governor Marilou Cayco na buksan ang kanilang probinsya para sa domestic tourism.

Ang Batanes ay isa sa mga lalawigan sa bansa na nag-aalangang magbukas at tumanggap ng turista dahil na rin sa banta ng COVID-19.


Nabatid na naitala sa Batanes ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 matapos umuwi sa lalawigan ang isang Locally Stranded Individual (LSI) na galing ng Sta. Rosa City, Laguna.

Facebook Comments