Malalaking kaganapan sa Buckingham Palace sa England ngayong taon, kinansela ni Queen Elizabeth II dahil sa COVID-19

101

Kinansela na ni Queen Elizabeth II ang mga malalaking aktibidad sa Buckingham Palace at sa Windsor Castle sa buong taon dahil sa Coronavirus outbreak.

Sa inilabas na pahayag ng Buckingham Palace, malaki ang tiyansa na magkaroon ng hawaan kung itutuloy na magkaroon pa ng mga aktibidad.

Plano rin ng reyna na bumalik sa Windsor Castle sa west London ngayong buwan at gamitin na lamang ang Buckingham Palace para sa mas maliit na pagtitipon.

Kasabay nito, Kinansela rin ng Edinburgh sa Scotland ang kanilang ang Christmas Festivals ngayong taon dahil sa Coronavirus.

Kasunod ito ng payo ng mga health expert kaya nagpasya ang mga mambabatas na kanselahin na ang nasabing event.

Facebook Comments