Batanes, Kauna Unahang Lalawigan sa Bansa na Idineklarang Ligtas na sa Droga

Ang lalawigan ng Batanes na matatagpuan sa pinakadulo ng Hilagang Luzonay siyang kauna unahang lalawigan sa bansa na deklaradong Drug ClearedProvince.

Ayon sa ipinalabas na kalatas ng Philippine Drug Enforcement AgencyRegional Office Number 2, ang pagdedeklara sa Lalawigan ng Batanes bilang DrugCleared Province simula Hunyo 2, 2017 ay sinaksihan mismo nina PDEA DirectorGeneral Isidro S. Lapeṅa, PDEA DDGO Asec Ricardo Quinto, IIS Director RandyPedroso, POS Director Gladys F. Rosales, OIC FMC Director Malou Jacosalem napawang galing sa Pambansang Punong Tanggapan ng PDEA, PDEA Region 2 DirectorLaurefel P. Gabales at PNP Region 2 Director PCSup Robert G. Quenery.

Sa seremonyang ginanap mismo sa kapitolyo ng Batanes, ang lahat ng mgaMunicipal Anti Drug Abuse Council(MADAC) mula sa siyam na bayan at mga BarangayAnti Drug Abuse Council(BADAC) buhat sa 29 barangay ng buong lalawigan aybinigyan ng sertipikasyon na nagapi na nila ang drug addiction sa kani kanilanglugar.


Nagpapasalamat ang PDEA Region 2 sa lahat ng sektor na nagtulong tulongupang sugpuin ang droga lalo na sa community based rehabilitation programs ngBatanes.

Sa talumpati ni PDEA Director General Isidro S. Lapeṅa, gagawin niyangehemplo ang Batanes para pamarisan ng ibang lalawigan sa bansa kung paanolabanan ang illegal na droga at sa pangunguna ng rehabilitasyon sa mga apektado nito.

Samantala, binibigyang linaw ng pamunuan ng PDEA na may panuntunan parasa pagkakadeklara ng isang lugar bilang drug cleared LGU. Ito ay sa kabikabilaang deklarasyon na ginagawa ng mga ilang Local Government Units bilangdrug cleared LGU’s.
Ayon sa pagpapaliwanang na ginawa ni PDEA Region 2 Information Officer 3Louella A Tomas, masusi at matinding pagsusuri ang dadaanan ng isang LGU nanagdedeklarang ito ay drug cleared na. Ito ay ayon sa isinasaad ng DangerousDrug Board Regulation Number 3 na naging epektibo noong Marso 2017.

Ayon kay Tomas, mula sa isusumiteng report ng PNP , susuriin pa ito ngcommunity relation(R5)  ng PNP at sakadadaan sa mga ilang opisina ng PDEA bago ito isasalang sa Oversight Committeena kinabibilanagn ng PDEA, DILG, PNP, DOH at ng LGU.
Atkung napatunayan na ang isang lugar ay nagagawa ang maayos na pagmamanman samga nakilala nang gumagamit ng droga, nagagawa ang mga programang pangrehabilitasyon at may mga programang nagpagpapanumbalik sa mga adik bilangproduktibong mamamayan ay saka pa lamang idedeklarang drug free ang isangpartikular na barangay, bayan, siyudad o lalawigan.

Ipinaliwanag pa ni Tomas na ang Drug Free LGU ay kailanman  walang naitalang durugista sa lugar kumparasa Drug Cleared LGU na may naitalanang adik pero sumasailalim na sarehabilitasyon at integrasyon na pinagtutulung tulungan ng ibat ibang sektor sapangunguna mismo ng LGU.

Pinuri naman ng PDEA Region 2 ang kasalukuyang ginagawa ng Lungsod ngIlagan na kung saan ay katuwang nila ang mga ibat ibang pastor para sapangangaral at rehabilitasyon ng mga nauna nang sumuko sa Oplan Tokhang atDouble Barrel ng PNP.
Magugunitang dito sa Rehiyon Dos kabilang na ang lungsod ng Cauayan ayhalos nag uunahan ang mga ilang barangay, bayan at lungsod sa pag aanunsiyo nasila ay drug cleared na lugar.

Facebook Comments