Batanes, sarado pa rin sa mga turista

40

Nananatiling sarado para sa mga turista ang Batanes kahit COVID-19 free na muli ang probinsya.

Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, napagkasunduan ng mga Ivatan na panatilihing sarado ang Batanes sa mga turista at non-essential travel dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabuuan, 10 lang ang naging kaso ng COVID-19 sa Batanes dahil sa ipinatupad nilang mas istriktong lockdown.


Paliwanag ni Cayco, ginawa nilang istrikto ang pagtanggap ng mga Locally Stranded Individual (LSI) dahil iisa lamang ang kanilang ospital at wala silang testing laboratory.

Facebook Comments