Batanes, Tinalakay na rin ang Plano sa COVID-19 Vaccination

Cauayan City, Isabela- Naghahanda na rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes matapos talakayin ang COVID-19 Vaccination Plan para sa inaasahang pagdating ng bakuna sa probinsya.

Pinangunahan ni Governor Marilou Cayco ang Batanes COVID-19 Task Group meeting ngayong araw.

Sa kasalukuyan, naisapinal na ang ilang hakbang na gagawin ng LGU Batanes gaya ng pagbibigay prayoridad sa mga frontline health workers, Senior Citizen, Indigent Population, Uniformed Personnel, Essential Government Workers at Remaining Population para sa naturang plano.


Bubuo rin ng Vaccination Team sa bawat munisipaliad at ang pagpaplano sa Delivery, Distribution, Waste Disposal Plan at ang paglalaan ng Warehouse at Storage Equipment and Facilities.

Base sa ginawang pagpupulong, dedepende pa rin kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang ibibigay ng national government habang nakapaglaan na rin ng pondong gagamitin ang Batanes para sa pagbili ng bakuna.

Kaugnay nito, nilagdaan na ni Governor Cayco ang Executive Order No. 2 kung saan nilikha ang Provincial Task Force on COVID-19 Vaccine Deployment kasama ang Provincial Vaccination Operations Center.

Magsisilbing pangunahing gagawin ng task force ang magsagawa ng massive campaign para ipalaganap sa lahat ng Barangay at Sektor para pag-usapan ang vaccination plan.

Facebook Comments