Batanes, Wala ng Kaso ng COVID-19

12

Cauayan City, Isabela- Bumalik muli sa pagiging ‘COVID-19 Free’ ang lalawigan ng Batanes matapos makarekober ang lahat ng mga naitalang positibong kaso.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes ngayong araw ng Martes, August 10, 2021, nag-negatibo na sa COVID-19 matapos gumaling sa virus ang labing apat (14) na kabuuang bilang ng mga kinapitan sa probinsya.


Wala na rin itinuturing na suspected case ang naturang Lalawigan dahil nagnegatibo sa RT-PCR test ang mga indibidwal na suspect COVID-19.

Wala rin naitala ang Batanes na namatay dahil sa COVID-19 mula sa 14 na naitalang total confirmed cases ng probinsya.

Facebook Comments