Pulis na umano ay drug pusher, arestado sa Mandaluyong

Hinuli ang isang pulis sa ikinasang operasyon sa Brgy. Plainview, Mandaluyong City.

Kinilala itong si Police Staff Sergeant Manuel Basilona, naka-assign sa Police Security Protection Group (PSPG).

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong City Police dahil sa umano’y pagiging drug pusher nito.


Sa report ni Police Col. Gauvin Mel Unos, Chief of Police ng Mandaluyong Philippine National Police (PNP), itinuro ang pulis ng isa pang naarestong suspek na si Alfie Tacliad Gomez.

Si Basilona ay kakasuhan ng paglabag sa Dangerous Drugs Act at kasong administratibo.

Facebook Comments