Batang babae, 5-taong ‘sex slave’ ng sariling ama

Isang 13-anyos na batang babae ang tumakbo sa pulisya sa Agusan, Cagayan De Oro City matapos itong pagtangkaang gahasain ng kanyang sariling ama.

Nitong ika-6 ng Setyembre, hinihingal ang bata na nagtungo sa awtoridad habang gula-gulanit ang damit na agad nagsumbong tungkol sa pagtatangka ng kanyang tatay.

Dito napag-alaman na limang taon na umanong ginagahasa nang paulit-ulit ng ama ng bata na itinago sa pangalang Gilbert, 39, na nagsimulang pagsamantalahan ang anak noong 8-taong gulang pa lamang ito.


Ayon kay Police Captain Marion Mantala, hepe ng Police Station 6 ng Cagayan de Oro, sinabi ng suspek na gusto lamang raw niyang protektahan ang anak.

Paliwanag pa nito, namimiss raw kasi niya ang kanyang asawa na matagal ng wala sa kanila dahil umano sa nagtatrabaho ito bilang domestic helper abroad.

Kaugnay nito, agad namang rumisponde ang pulisya sa bahay ng suspek at doon nasambat nila ang .357 na baril na mayroong anim na bala at isang posas.

Nagpakilala pa raw umano ito na miyembro ng Philippine Military Intelligence Group.

Samantala, napag-alaman naman na walang lisensya ang naturang baril ng suspek.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng ama ng biktima gaya ng attempted rape, illegal possession of firearms, usurpation of authority, at multiple rape.

Facebook Comments