Batang babae, patay sa kinain na kilawing bituka sa Gensan

Gensan – Nasawi ang isang dalawang taong gulang na batang babae matapos malason sa kinaing kilawing bituka ng hayop sa General Santos City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa opistal ang biktima dahil sa walang tigil na pagsusuka.

Kwento ng ina ng biktima, pinanghapunan nila ang kilawing bituka ng hayop na ibinigay ng lola ng bata.


Binili ng lola ang nasabing laman-loob s isang meat shop saka ibinigay sa pamilya ng mga biktima.

Sa kabila ng kakaibang lasa ng nilutong kilawin ay tuloy pa rin sila sa pagkain.

Napag-alaman na halos lahat ng miyembro ng pamilya na kumain ng kilawing bituka ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka.

Facebook Comments