BATANG BATA | Lolo na mukha lang 20-anyos, tinaguriang “most modern grandpa” ng China

Shanghai, China – Kahit matanda na, tinitilian at crush pa rin ng bayan ang 68-year old na lalaki mula Shanghai, China.

Sa sobrang bata kasi ng itsura ni Hu Hai, hindi mo aakalain sa senior citizen na siya!

Unang nakilala si Hai sa isang local talent show sa China na exclusive lang sa mga matatanda kung saan napanalunan niya ang titulong “Shanghai’s Most Modern Grandpa”.


Bukod kasi sa kanyang youthful looks, parang binata rin kung pumorma si Lolo.

Kwento ni Hai, bata pa lang siya nang mamatay ang kanyang ama kaya para hindi ito maranasan ng kanyang mga anak, kinarir niya ang pag-eehersisyo, yoga, meditation at pagda-diet para mapanatili ang malusog at age-defying looks niya.

Pero ang pinakasikreto raw talaga niya, lagi niyang iniisip na 20 years old lang siya at ‘yun daw ang iisipin niya hanggang sa huli niyang hininga.

Facebook Comments