Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay G. Paul Bacungan, ang City Information Officer, kabuuang 1,056 ang naturukan sa nasabing age group matapos isagawa ang pagbabakuna sa dalawang ospital kabilang ang City of Ilagan Medical Center at San Antonio Hospital.
Wala naman aniyang bata ang naitalang nakaranas ng adverse effect matapos itong mabakunahan laban sa COVID-19.
Patuloy naman ang panawagan sa lahat ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kasabay ng ng kanilang kampanya sa magandang epekto ng COVID-19 vaccine sa mga bata upang mailayo ang mga ito sa banta ng nakakahawang sakit.
Sa kasalukuyan, nasa labing-tatlo (13) na lang ang aktibong kaso ngayon ng lungsod.
Umaasa naman ang lokal na pamahalaan na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng mga naitala na aktibong kaso ng COVID-19.