Batang hamog na nagnanakaw sa EDSA, muling umatake

191

Manila, Philippines – Nakuhaan ng dash board camera ang pagnanakaw ng isang batang hamog sa isang sasakyan sa kasagsagan ng traffic sa EDSA-Guadalupe.

Sa video, makikitang sumampa sa kotse ang isang lalaki at bigla na lang hinila nito ang bag ng motorista saka tumakbo.

Ayon sa biktima na si Maxinne Perez, binuksan niya ang bintana ng kaniyang sasakyan dahil sira ang aircon.


Sinabi naman ni Police Community Precint Station 7 Commander Chief Inspector Aaron Elago, karaniwan sa tanghali o gabi umaatake ang akyat kotse gang.

Dahil dito, paalala ng mga otoridad sa mga motorista na huwag hayaang nakabukas ang bintana ng kanilang sasakyan.

Facebook Comments