Bagong modus ng pagnanakaw ng motorsiklo, huli sa CCTV

Manila, Philippines – Nagbabala ang mga otoridad sa bagong modus ng pagnanakaw ng motorsiklo.

Sa kuha ng CCTV sa Felix Huertas St Sta. Cruz Manila, sinunsundan ng dalawang riding in tandem ang magkasintahang angkas ng isa ring motorsiklo.

Dito nag-overtake ang isa sa riding in tandem kaya napilitan huminto ang mga biktima.


Nilapitan ng isa sa mga suspek ang mga biktima kung saan tinulak nito ang babaeng angkas habang tinutukan ng baril ang driver saka sapilitang inagaw ang motorsiklo.

Ayon kay Brgy. 338 Zone 4 Chairwoman Elvira Garcia, tila bihasa na ang mga suspek sa ganitong modus dahil sa kanilang istilo.

Bagaman nag-report aniya sa kanila ang mga biktima, hindi na nila ito ma-contact dahil sa kawalan ng personal na impormasyon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments