Batang lalaki, patay matapos balikan ang alagang tuta sa nasusunog na bahay

450

Nasawi ang 1-anyos na batang lalaki matapos nitong balikan ang alagang tuta sa nasusunog nilang bahay sa Gentry, Arkansas US, noong Sabado, Nob.30.


Base sa report, hindi napansin ng mga magulang ni Loki Nicholi Mason Sharp na bumalik ito sa loob ng bahay dahil abala raw sila sa pag-apula ng apoy at paghingi ng tulong.

Sa Facebook post ng tatay ni Loki na si Kurtis Sharp, sinabi nito, “I just wanna stop here and say never take your children for granted.”

“Cherish every waking moment with them!!!! ‘We love u bubba and we know your in a better place!!!!” aniya.

Dagdag niya, sa kasamaang palad ay hindi rin daw nailigtas ng anak ang alagang tuta dahil pinrotektahan din nito umano si Loki mula sa sunog.

Samantala, sinasabing electric fault ang pinagmulan ng sunog.

Problema rin ng pamilya ang gagastusin para sa pagpapalibing ng anak.




Naiulat din na natupok lahat ang ari-arian ng mag-asawa dahil sa trahedya.

Facebook Comments