Duterte sa ABS-CBN: Huwag umasang ma-renew ang prangkisa

File photo

Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin ang renewal ng broadcasting giant na ABS-CBN.

Sinabi ni Duterte sa harap ng mga bagong opisyal sa Malacañang, kahapon, na huwag nang umasa pa ang network na mapapalawig pa ang prangkisa nitong mapapaso na sa Marso 2020.

“If you are expecting na ma-renew ‘yan (prangkisa), I am sorry. You’re out. I will see to it that you are out,” ani Pangulo.


Ito ang pangatlong beses na iginiit ni Duterte ang pagpapatigil sa ABS-CBN matapos hindi nitong hindi iere ang campaign ads ng Pangulo noong 2016.

Limang panukala na ang naihain para sa renewal ng prangkisa ng network sa susunod pang 25 taon.

Bagama’t aminadong may reklamo rin sa network, nangako si House Speaker Alan Peter Cayetano na tatalakayin ng House of Representatives nang patas ang panukala bago matapos ang taon.

Facebook Comments